in

Larawan ng primary suspek sa pagpatay sa 16-anyos na babae sa Cebu, inilabas ng PNP; patong sa ulo itanaas sa P2M

Inilabas na ang larawan ng primary suspek sa malagim na sinapit ni Christine Lee Silawan, 16-anyos, grade 9 student sa Lapu-Lapu City sa Cebu na bukod sa pinatay at ginahasa ay binalatan pa ang mukha at tinanggalan ng lamanloob.

Kinilala ang isa sa tatlong suspek na si Jonas Bueno.

Ayon sa mga naunang ulat, hindi ito nakatira sa Lapu-lapu City at kasalukuyang nagtatago sa Cebu batay sa imbestigasyon ng mga pulis.

Nakita umano ang itinuturong primary suspek na pinasakay nito sa isang motorsiklo si Silawan na nakita sa isang CCTV bago ang krimen.

Lumalabas rin sa imbestigasyon ng mga pulis na nakakapalitan ng biktima ng mensahe ang suspek ngunit hindi sigurado kung mayroon silang relasyon.

Tinitingnan din ang koneksyon ng kaso ni Silawan sa tatlong suspek sa pagpatay at pagbalat din sa mukha ng 60-anyos na si Trinidad Batucan na nangyari noong Enero 11.

Pinangalanan ang mga suspek sa kaso ni Batucan na magkakapatid na sina Junrey, Juvy at Jonas Bueno.

Ayon naman kay Police Col. Lemuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, mas magiging madali na para sa kanila na mahuli ang dalawa pang suspek kapag naaresto na ang pangunahing suspek na si Jonas.

Samantala, umakyat na sa P2 million ang pabuya sa sinumang makatutulong sa ikadarakip ng mga salarin.

Ito’y matapos mag-ambag si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino ng P100,000.

Nangako rin umano si Philippine Postal Corporation Chairman Norman Fulgencio na magbibigay ng dagdag na P100,000.

Ang ibang nalikom na pera ay mula sa Lapu-Lapu City government (P1 million), isang dayuhan na nakabase sa Leyte (P500,000), Cebu Provincial Council for the Welfare of Children (P200,000) at Police Regional Advisory Council (P100,000).

Maliban sa dagdag na reward ay iniabot din ni Dino ang tulong pinansiyal mula sa Office of the President na P20,000 sa pamilya ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment