in

P100K pabuya, alok para madakip ang 3 durugistang suspek na pumatay sa 16-anyos na dalagita sa Cebu

Naglabas ang Police Regional Advisory Council (RAC) ng P100,000 na pabuya sa makakapagturo ng kinaroroonan ng tatlong umano’y drug addict na suspek sa brutal na paggahasa, pagpatay at pagbalat sa mukha ng isang 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Police Colonel Limuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, kilala na nila ang mga pumatay kay Christine Lee Silawan batay sa testimonya ng mga testigo sa lugar.

Pero hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang patuloy ang pagtugis sa kanila.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsilbing church collector sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac si Silawan pero hindi na ito nakauwi.

Batay sa kwento ng testigo, tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo ang nagdala sa biktima sa Sitio Mahayahay.

Lumabas sa autopsy na nagtamo ang dalagita ng mahigit 20 saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri na magbeberipika kung ginahasa ito.

Kinondena naman ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa dalagita at magpapadala rin umano ang Commission on Human Rights (CHR) sa Central Visayas ng quick response team para tumulong sa imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment