fbpx
≡ Menu

Babaeng bully na nambugbog sa isang viral video at 6 na iba pang babae, sinermunan ni Raffy Tulfo

Nakatikim ng sermon mula kay Raffy Tulfo ang isang dalagitang nambugbog sa isang 13-anyos na batang babae na kanyang pinagseselosan.

Ang siste, pakiramdam ng babaeng bully na kinilalang si Angelika Tumang ay nilalandi ng biktima ang kanyang boyfriend. Hindi rin nakaligtas sa sermon ang mga magulang ng dalagita.

Sa kanyang programa, nakapanayam ni Idol Raffy ang mga sangkot sa viral video kung saan mapapanood si Angelika na paulit-ulit na sinasapok ang biktima na itinago sa pangalan na alyas “Julie”.

Dahil daw nahuli ni Angelika na nakikipag-chat ang kaniyang boyfriend kay Julie kaya niya nagawa ang pambubugbog na labis din niya ngayong pinagsisihan.

Ayon kay nanay Prancela, ang insidente ay naganap halos mag-iisang taon na, “Nangyari po kasi yan last year September pa po.”

Ibinunyag din ng nanay ni Julie kay Idol Raffy na pang-anim na beses na pala itong nagawa ni Angelika sa iba’t-ibang biktima.

“Hindi lang po kasi sa anak ko ginawa niyan eh meron pa pong iba. Anim pa pong may gustong magreklamo sa kaniya,” sabi ni nanay Prancela.

Dahil sa insidente, nagdesisyon ang nanay ni Julie na sampahan ng kaso si Angelika para mabigyan ng leksyon.

WATCH: VIRAL VIDEO NG PANANAKIT SA ISANG 13 YRS OLD NA DALAGITA SA LOOB NG CR, INAKSYUNAN!