fbpx
≡ Menu

Leni Robredo, ipahihinto ang Oplan Tokhang ni Pangulong Duterte sa kanyang pag-upo sa ICAD

Leni Robredo, ipahihinto ang Oplan Tokhang ni Pangulong Duterte sa kanyang pag-upo sa ICAD

Ipinanukala ni Vice President Leni Robredo ang paglikha ng bagong anti-drug campaign na papalit sa umiiral na “Oplan Tokhang” ng administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na pingunahan ni Robredo, dahil umano sa nangyaring mga patayan sa mga ikinakasang anti-illegal drugs operation, tila ang pagkakaunawa na ngayon sa salitang “Tokhang” ay giyera kontra mahihirap.

Dapat aniyang mabago ang kaisipang ito ng publiko tungkol sa war on drugs ng pamahalaan at maaring panahon upang pag-isipang palitan ang tawag sa kampanya.

Sinabi ni Robredo na kanyang pipigilan ang senseless killing o ang pagpaslang ng mga inosente na nadamay dahil sa drug operations.

“Because of the many senseless killings that accompanied Operation Tokhang, parang naka-reach siya ng certain level of notoriety na kapag sinabing Tokhang it is a war against the poor. Baka panahon na para pag-isipan natin ‘yong pagpalit ng isang kampanya na mas epektibo pero walang namamatay senselessly,” ayon kay Robredo.

Sa ilalim ng kampanya na Oplan Tokhang, ang dapat na ginagawa ay kinakatok ang mga bahay ng mga hinihinalang gumagamit ng iligal na droga at hinihimok ang mga ito na tigilan na ang iligal na gawin at magbagong buhay.