fbpx
≡ Menu

Krimen sa NCR, bumulusok pababa ng 57% sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte

Bumulusok sa 57% ang bilang ng mga mabibigat na krimen o focus crimes sa Metro Manila sa unang 35 buwan ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kumpara sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Major Gen. Guillermo Eleazar, mula sa bilang na 116,089 kaso mula Agosto 2013 ay bumaba na sa 49,115 pagpatak ng Hulyo 2016 hanggang sa datos ng Mayo 2019.

Ang focus crimes ay gaya ng mga krimeng pangtao tulad ng murder, homicide, physical injuries at rape. Samantala, ang mga krimeng pagmamay-ari ay robbery, theft, motor vehicle at motorcycle theft.

Nilinaw ni Eleazar na sa bilang na 18,580 noong 2017 ay bumaba ng 54% at sa kalagitnaan ng 2018 ay humirit na lang ng 14,911.

Dagdag pa ni Eleazar, dahil ito sa pagiging magiting at agresibo ng pulisya sa pagtukoy ng mga kuta ng gangs, terorista, mga mamamayan at awtoridad na may pananagutan sa batas.

Inaanyayahan din nito ang publiko na magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kapag may nasaksikang kaduda-dudang tao o pangyayari sa kanilang lugar.

“Because of our cooperation and collaboration, we have improved our security and because of the efforts of this administration, the Duterte Administration through its intensified campaign of all forms of criminality particularly the campaign against illegal drugs,” saad ni Eleazar.

“We can say in honesty that we are winning with this war as can be shown by (more than) 50 percent reduction of crime in Metro Manila. I would like to encourage the public to immediately report any suspicious person or activities to the nearest police station and police assistance desk,” dagdag ni Eleazar.

Ang tinutukoy nito ay ang kontrobersyal na war on drugs ng gobyerno noong Hulyo 2016, kung saan inaresto ang 48,886 drug pushers at pushers, 1,590 ang ni-neutralize at 233,896 naman ang sumuko sa Metro Manila.