Pari, nagbebenta ng mga isda; perang kinita, ibinili ng relief goods para makatulong sa mga kababayan

Pari, nagbebenta ng mga isda; perang kinita, ibinili ng relief goods para makatulong sa mga kababayan

Isang pari ng Santa Clara, Lamitan City sa Basilan ang nagdesisyon na maglako ng isda para makatulong sa mga kababayang nahihirapan sa buhay dahil sa epekto ng pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang mga pera kinita ay ipinambili niya ng relief goods na ipinamigay niya sa mga tao.

Naisipan ni Fr. Joel Silagpo, na gawing puhunan para ipambili ng mga panindang isda ang natitirang donasyon na nalikom ng simbahan.

Nakapuwesto sa labas ng simbahan ang munting tindahan ni Fr. Silagpo na madalas puntahan ng mga residenteng gusto rin mag-abot ng tulong.

Ang unang kita ni Fr. Silagpo sa pagtitinda ay ibinili niya ng pagkain na agad ipinamahagi sa mas higit na nangangailangan.

Inihayag din ni Fr. Silagpo na sinisikap niya na bigyan ng tulong ang sinumang nangangailangan kahit ano pa ang relihiyon nito.

Pagkaklaro ng pari, may inaabot na tulong ang lokal na pamahalaan ng Lamitan roon at sariling desisyon niya ang pagkakawang-gawa.

Hindi naman ito ang unang beses na nag-kawang gawa si Fr. Silagpo.

Nabatid na taong 2017 nang maisipan ni Fr. Silagpo na magbenta rin ng isda upang makaipon ng dagdag pondo para sa simbahang itinatayo sa lungsod.

Nahinto raw kasi ang konstruksyon nito dahil sa kakulangan ng budget kaya nagpursige siyang makalikom ng pera.

Nasa ilalim ngayon ng general community quarantine ang Basilan na nanatiling COVID-19 free.