Misis, nahuli ni mister habang ‘binabanatan ng armas’ ni kumpare

Misis, nahuli ni mister habang ‘binabanatan ng armas’ ni kumpare

Nahuli sa akto ng isang mister ang kanyang misis habang “binabanatan ng armas” ng kanyang kumpare na kasosyo sa pag-aalaga ng mga manok na panabong sa Barangay Langub, Davao City.

Dumulog sa tanggapan ng Talomo Police Station si “Mario” (hindi tunay na pangalan) upang ipa-blotter ang kanyang kumpareng si “Jack” para may gagamiting basehan sa pagsasampa ng kaso sa ginawang pang-aahas sa kanya.

Sa salaysay ni Mario sa pulisya, nagising siya nang biglang bumangon ang kanyang misis na si “Eva”, 36-anyos, at kanya itong minatyagan.

Nakita ni Mario na lumabas ang kanyang misis kaya kanyang sinundan na papunta sa isang kubo, bandang alas 11:00 ng gabi kung saan natutulong ang kanyang kumpare na kasosyo sa pag-alaga ng manok.

Nang makapasok sa loob ng kubo makalipas ang ilang minuto ay sumilip si Mario sa maliit na butas at nagitla nang makitang hubo’t hubad na ang kanyang asawa at si kumpare.

Nakita mismo ng dalawang mata ni Mario ang pagpatong at pagsyapol ni kumpare sa kanyang misis at pagbaon ng armas nito.

Mistulang sinakloban ng langit at lupa, nagawang magpigil ng galit ni Mario kaya sa halip na mag-eskandalo at malagay sa malaking kahihiyan ay kinatok niya ang mga taksil at pinagsuot ng damit.

Mabilis na tumakas si Jack subalit ipinagpatuloy pa rin ni mister na magharap sila sa barangay upang pag-usapan ng kanilang problema.

Dito na nagdesisyon si Mario na maghiwalay na lamang sila ng negosyong panabong ng kumpare dahil bukod sa manok na panabong ay sinososyo rin pala siya nito sa kanyang misis. 

Source: Remate