in

Leni Robredo, naniniwalang hindi pa tapos ang laban para sa Otso Diretso kahit laglag na

Hindi pa tapos ang laban para kay Vice President Leni Robredo matapos na maging dominante ang mga kandidato ng administrasyong Duterte sa naganap na 2019 midterm elections.

“Pagod man tayong lahat sa kampanya at sa mahabang araw kahapon, sulit ang lahat dahil pinanindigan natin ang ating mga prinsipyo at paniniwala. May laban pa tayong hinaharap,” pahayag ni Robredo.

Hinimok din ni Robredo ang publiko na maging vigilante at bantayan ang bilangan ng boto.

“Hindi pa tapos ang bilangan, at kailangan pang bantayan. Ipinamalas ng ating mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa ating adhikain. Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa,” aniya pa.

Nanawagan ito sa mga Pilipino na magkaisa at ipagpatuloy ang laban.

“Marami pa tayong kailangan gawin at marami pa tayong magagawa. Hanggang sa huli, sama-sama tayo sa labang ito,” ani Robredo.

Samantala, 9 sa 12 kandidatong nakapasok sa top 12 ay mula sa administrasyon at wala ni isang nakapasok sa opposition slate na Otso Diretso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment