fbpx

6-anyos na bata, isinugod sa ospital ang sisiw na nasagasaan niya gamit ang bisikleta



Naging viral ngayon ang isang post sa social media patungkol sa 6-anyos na bata matapos isugod sa ospital ang sisiw na kanyang nasagasaan gamit ang bisikleta.

Halo-halo ang naging emosyon ng mga netizens na nakakita sa larawan ng batang lalaki na may hawak na sisiw at pera.

Habang nagbibisikleta ang bata, nasagasaan daw umano nito ang sisiw.

Sa takot na mamatay ito, dinala niya ito sa kanilang bahay at pinilit ang mga magulang na dalhin ang sisiw sa ospital.

Nang tumanggi ang kanyang mga magulang, kusa na nang isinugod ng bata sa ospital ang sisiw dala ang kanyang sariling pera.

Ang bata ay umuwing umiiyak dahil hindi umano siya natulungan ng mga staff ng ospital.

Sa halip, kinunan siya ng larawan sa labis na katuwaan sa pinakitang malasakit at pagiging responsable sa isang hayop.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay kinagiliwan ang ginawa ng bata.

READ:  Lolong nagtitinda ng saging na binayaran ng pekeng P1,000, naiyak sa lungkot

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment