TINUTULUNGAN KO SIYA! Manny Pacquiao, itinanggi na inaatake niya si Pangulong Duterte

Itinanggi ni Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao na inaatake niya si Pangulong Rodrigo Duterte nang isiniwalat niyang may nagaganap na katiwalian sa gobyerno sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Inulit ni Pacquiao na nais niyang makipagtulungan sa Pangulo sa pagsugpo sa mga tiwaling opisyal at pagtanggal sa katiwalian sa sa iba’t ibang departamento ng gobyerno.

“I’m not attacking the President. I think some people just have a wrong perception. His advocacy is against corruption and I am one of those who are helping out because the real problem here in our country is corruption. I agree and support the President,” depensa ni Pacquiao.

“I want to see these corrupt officials behind bars. It’s heartbreaking and it makes me weep whenever I discover different types of corruption in our government agencies. Maybe our President is unaware of all of these,” aniya.

“I hope the President is not angry with me. If his advocacy is against corruption, I’m just helping him by pointing it out…We will never have economic development if we are unable to get rid of corruption,” dagdag niya.

Sinabi ni Pacquiao na mayroong mga indibidwal na nagrereklamo tungkol sa sinasabing katiwalian sa gobyerno, ngunit hindi niya ito isinapubliko dahil ayaw niyang bastusin ang Pangulo.

“Many of these people who would give me information about corruption in government would provide papers. I just don’t want to release these because the President might get insulted and think I am getting ahead and investigating them myself. Maybe these people just have their trust in me enough to give me these evidences when they approach me,” ayon kay Pacquiao.

Kinakalap na umano ni Pacquiao ang lahat ng katibayan na isinumite sa kanya tungkol sa katiwalian sa Department of Health (DOH).

“I have evidence about the corruption in DOH. I’m just collecting all of these at the moment,” aniya.