in

Primary suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Cebu, naaresto sa Davao City

Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu na si Christine Silawan.

Ang suspek na kinilalang si Jonas Bueno ay nadakip sa Davao City.

Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A sa Matina Crossing sa nasabing lungsod si Bueno.

Dinakip si Bueno ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao City, Mindanao Area Police Intelligence Office, NBI, Regional Intelligence Unit-Davao, at Davao City Police Office-Police Station 3.

Nauna nang isinaad ang manhunt operation para kay Bueno, na naituro dahil sa mga text messages umano nito sa dalagita base sa imbestigasyon ng mga pulis.

“The Police Regional Police Office-7 has the information. We got word that a cellphone from a relative of the victim was recovered. They are looking into it and there are conservations in the phone. This is why we already have a lead and a suspect based on statements that we obtained,” ayon kay PNP spokesperson, Police Col. Bernard Banac.

Gayunpaman, tumanggi si Banac na magbigay ng mga karagdagang detalye habang patuloy na sinisiyasat ng Special Investigation Task Group (SITG) ang kaso ng pagpaslang kay Silawan.

“We are determining whether the culprit is a psychological maniac or a drug dependent. This is not a work of a normal person. Right now, the SITG has only information. The hunt is on for the suspect. Nobody is in their custody. We do not want to lose track of the investigation. If we arrest one primary suspect, we will be able to arrest all (of them),” sabi ni Banac.

Si Bueno ay mayroong standing warrant of arrest para sa kasong murder na ipinalabas ng Danao City RTC Branch 25 dahil sa pagpatay sa isang 60-anyos na ginang noong January 11 na si Trinidad Batucan.

Si Batucan ay inalisan din ng balat sa mukha at wala itong dibdib nang matagpuan.

Sa ulat ng mga otoridad, miyembro umano ng kulto si Bueno.

Noong Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City sa Cebu.

Bukod sa binalatan ang kalahating mukha ng biktima kung saan lumabas ang bungo nito ay tinanggal din ang ilang laman-loob niya gaya ng trachea, dila at esophagus.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0