in

Buko at high value coconut products ng Pilipinas, pwede ng ma-export sa US market

Maaari nang mag-export ng buko ang Pilipinas sa Amerika matapos kumpirmahin ng US government ang export permission para rito.

Ayon kay Dr. Josyline Javelosa, Philippine Agriculture Attaché to the United States, awtorisado na sa ilalim ng 7 CFR 319.56 ang paglalatag sa US market ng “young coconuts” na “immature/green”, at may “75% or more of outer shell surface of the husk removed”.

“The US government has confirmed that young coconuts from the Philippines may now be exported through all ports in the USA,” ani Javelosa.

Maliban dito, pinag-usapan din aniya sa isinagawang bilateral meeting sa United States Department Agriculture’s Animal and Plant Health and Inspection Service headquarters sa Riverdale, Maryland ang hiling ng bansa na makapag-export din ng okra sa US market maging ang pag-waive ng pre-clearance requirements para sa Philippine fresh mango export.

Sa isang Facebook post ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sinabi ng kalihim na naghahanda na sila para sa kauna-unahang shipment ng mga young coconuts sa July.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may 3.5 million-hectares ng coconut plantation, mas malaki ng 216,000 hectares kaysa sa plantation ng Thailand, kaya mas dominante para sa US market ang young cocounuts at iba pang high value coconut products ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment