fbpx
≡ Menu

Dalawang pulis ng Tarlac, nag-viral matapos tulungan ang isang school principal na nasiraan ng tricycle

Nag-viral ngayon sa social media ang pagtulong ng dalawang pulis sa isang babaeng bahagyang naaksidente nang sumadsad ang gulong ng sinasakyang tricycle nito sa gilid ng kalsada.

Napag-alaman na isang school principal pala ang babae na hindi naman nasaktan sa insidente.

Nakita umano siya ng dalawang pulis na napadaan sa lugar at agad itong lumapit at tumulong sa babae.

Laking pasasalamat ng school principal sa mga pulis dahil sa dinami-rami ng dumaan sa lugar, hindi sila nagdalawang isip na lumapit at tulungan siya.

Makikita sa larawan na ang mga pulis din mismo ang bumili ng piyesa at nagkumpuni sa sumadsad na tricycle.

Dahil dito, umani ng papuri ang mga pulis na nakilalang sina SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin ng San Clemente, Tarlac.

SPO3 TABELISMA, AND SPO1 TABLERIN, salute sir GOD bless you both always true heroes, good example to others proud of you officers.

Yan ang tunay na pulis TO SERVE & PROTECT. I salute you mga sir GOD BLESS you po and your whole family.

SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin of San Clemente, Tarlac. I’m so proud of both of you! Sana tularan kayo ng karamihang police. God bless you and guide both of you always.

Congratulations for doing a great job Sirs! May GOD continually bless your going out and coming in forever. Thank you again.