≡ Menu

Franchise renewal ng ABS-CBN imposible kay Pangulong Duterte: I am sorry. I will see to it that you are out

Franchise renewal ng ABS-CBN imposible kay Pangulong Duterte: I am sorry. I will see to it that you are out

Buong tapang na inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta na pagharang sa franchise renewal ng ABS-CBN sa susunod na taon.

Sa pagsasalita ng Pangulo sa harap ng mga bagong opisyal ng Malacañang, sinabi ng Pangulo na huwag nang umasa ang ABS-CBN na mare-renew ang prangkisa nito na mapapaso sa March 2020.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ni Duterte.

Magugunitang sinabi noon ng Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN matapos hindi ipinalabas ang paid advertisement niya para sa 2016 elections.

Samantala, naka-tengga pa rin sa House Committee on Legislative Franchises ang bill na makapag-extend sa validity ng franchise ng ABS-CBN na hindi pa muling napag-uusapan sa pangunguna ni Palawan Representative Franz Alvarez.

Matatandaang August ngayong taon nang sumiklab ang paulit-ulit na pahayag ng Pangulo ukol sa kanyang pagharang sa pag-rerenew ng ABS-CBN.

LIVESTREAM: PRRD LEADS OATH-TAKING OF NEWLY APPOINTED GOVERNMENT OFFICIALS