2 OFW sa Riyadh, namamalimos at namumulot ng pagkain mula sa basura dahil sa matinding gutom

2 OFW sa Riyadh, namamalimos at namumulot ng pagkain mula sa basura dahil sa matinding gutom

Nakuhanan sa video ang ginagawang pangangalap ng pagkain ng dalawang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Cristop Gomez na siyang nagbahagi ng video, naaawa siya sa sinapit ng kanyang kapatid doon kaya naisipan niyang i-post ang totoong kalagayan nito sa Riyadh.

“pls pshare po na sana matulungan po sila pati mga ksma nya nasa riyadh saudi arabia po sila at isa po jan yung brother ko sila po yung simula nag lockdown sa saudi isang beses lng sila nbigyan ng ayuda at hanggang ngyon wala na sila makain makikita po sa video na halos namumulot nalang sila nag pag kain sa basura para lng makaraos sa araw araw pls p share po para ma2lungan po sila lahat naiiyak ako habang pinapanuod ko ito na yung kapatid ko ganyan nanyayari sana matulungan po cla ng atin gov dito sa pinas maraming salamat po pshare po,” ayon sa caption ni Cristop.

Mula nang mag-lockdown sa Saudi Arabia noong Marso bilang pag-iingat din sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), isang beses lamang nakatanggap ng ayuda ang kapatid ni Cristop at ang mga kasama rin nitong OFW.

Aniya, wala rin umano silang tulong na natanggap sa pinapasukang trabahao kaya naman gutom ang inaabot nila araw-araw.

Ito ang nag-udyok sa kanila upang mangalap na lamang ng makakain sa basurahan may mailaman lamang daw sa kumakalam nilang mga sikmura.

Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung makababalik pa sila sa kani-kanilang mga trabaho bunsod pa rin ng krisis dala ng pandemya.

Sa hiwalay na post ni Cristop, sinabi niyang marami ang nagpaabot ng tulong sa kanyang kapatid at kasamahan nitong OFW.

Taos puso rin ang kanyang pasasalamat kay Erwin Tulfo na gumawa ng paraan upang maipabot agad ang tulong sa kanila.

“sa mga tumulong po sa kapatid ko at sa mga kasama po nila sa saudi labis labis po ang pasasalamat ko po sa inyo hnd ko na po kayo maisa isa kc po sa dami nyo po tlga at dun po sa mga hndi ko po narereplyan maraming salamat po tlaga kung wala po kau baka ano na nanyari sa knla at ng dahil po sa inyo nakarating na po ito kay boss erwin tulfo na ngawaan na po agad ng action c god na po ang bahala po sa mga katulad nyo na may mabubuting puso mag iingat po kayo palagi,” ani Cristop.

“simula po ng pinost ko yung video ng kapatid ko at hanggang ngyon sobra nag papasalamat po aq sa lahat po ng tumutulong at nag bibigay p din po ng tulong hangang ngyon sobrang maraming salamat po lagi po kau mag iingat c god na po ang bahala po sa mga katulad nyo po na may mabubuting puso sobrang maraming salamat po sa inyo lahat,” dagdag pa niya.