in

62-anyos na pari, arestado dahil sa kasong rape sa Surigao del Norte

Isang pari ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa kasong rape.

Kinilala ni Police Staff Sargeant Ryan Cagula ng Police Regional Office (PRO) 13 ang suspek na si Anecio Demaque Bordado, 62-anyos, isang pari ng Maharlika Ecumenical Catholic Apostolic at residente ng Purok 2 Brgy. Sering, lungsod ng Socorro, Surigao del Norte.

Ang pag-aresto kay Bordado ay kasunod ng warrant of arrest sa kasong rape na nilagdaan ni Judge Leonila Gorgolon, ang Acting Presiding Judge sa Regional Trial Court Branch 30 sa lungsod ng Dapa, Siargao Island, isang probinsya sa Surigao del Norte.

Nasa kustodya na ngayon ng Socorro Municipal Station ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0