in

Sen. Antonio Trillanes, mastermind sa lumabas na black propaganda video ayon kay Paolo Duterte

Itinuro ni dating Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte si Senator Antonio Trillanes IV ang umanoy mastermind sa pagpapalabas ng video na nagdadawit sa kanya sa illegal drug trade sa bansa.

Sa kumakalat na video na may titulong “Ang Totoong Narcolist” isa umanong dating drug syndicate member na si “Bikoy” ang nagsabing may ebidensya siya sa pagkakadawit ni Paolo sa iligal na droga.

Ayon kay Bikoy na may hawak siyang ledger na magpapatunay na tumatanggap umano ng milyong piso si Paolo galing sa illegal drug trade na pinasingalingan naman ng huli.

“If there’s anything admirable about Mr. Antonio Trillanes, it is his relentlessness and talent to turn the absurd into something ridiculous, if not bizarrely entertaining. He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, the one who has done nothing good but attack the government,” sabi ni Paolo sa isang Facebook post.

Idiniin naman ni Paolo na hinding hindi niya ipapakita ang tattoo sa kanyang likod na sinabi ni Trillanes na isang ebidensyang magpapatunay na kasama siya sa isang “triad” o international drug syndicate.

“No, I will not show the tattoo on my back and make things easier for Mr. Trillanes. Instead, I dare him and everyone behind the stupid and empty video exposé to back their claims against me,” saad ni Paolo.

Nagbabala naman si Paolo Duterte na muling magsasampa ng mga kaso laban kay Trillanes.

“I have filed cases against Mr. Trillanes for ruining my name. I will file another string of cases for his continued attempts to destroy my reputation,” ani Paolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0