fbpx

PAO Chief Persida Acosta, magiging abogado sa 16-anyos na dalagita na pinaslang sa Cebu



Siniguro ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na siya mismo ang magiging abogado ng pamilyang Silawan.

Ito ang pahayag ni Acosta matapos nitong personal na bumisita sa burol ni Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Acosta, makikipagtulungan sila sa awtoridad sa nasabing kaso at sa iba pang local government units (LGUs) na nagsagawa ngayon ng imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Layunin aniya na makamtan ng pamilyang Silawan ang hustisya na patuloy ngayong nagdadalamhati sa brutal na pagpaslang kay Christine.

Maliban sa kay Acosta, bumisita rin si Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jiminez upang malaman kung ano rin ang maitutulong nila sa kaso.

Samantala, naaresto sa Davao City si Jonas Bueno, ang primary suspek na tinuturong sa humalay at pumatay kay Christine.

Nahuli si Bueno sa pamamagitan ng arrest warrant ng National Bureau of Investigastin (NBI), Mindanao Area Police Intel Office at CIDG-Davao City.

READ:  M/S Europa, dumaong sa Tagbilaran Port; ikatlong international cruise ship na dumaong sa Bohol ngayong 2019

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment