John Lloyd Cruz, namahagi ng kahon-kahong vitamins sa mga bata at COVID-19 frontliners

John Lloyd Cruz, namahagi ng kahon-kahong vitamins  sa mga bata at COVID-19 frontliners

Hinangaan sa social media ang pagtulong na ginawa ng aktor na si John Lloyd Cruz para sa mga batang kapus-palad at pati na rin sa mga COVID-19 frontliners sa Brgy. Guadalupe sa Cebu City.

Makikita ang mga litrato kung saan personal na nag-abot si Lloydie ng kanyang mga donasyon tulad ng bitamina habang simpleng white shirt, pantalon at red cap lamang ang suot niya.

Ayon sa caption, “Actor John Lloyd Cruz fulfills promise to donate vitamins for children and COVID-19 frontliners of Barangay Guadalupe in Cebu City. The on-leave Kapamilya actor has been staying in the barangay even during the lockdown.”

Tinupad nga ni Lloydie ang kanyang pangako na tutulong siya sa barangay na `yon dahil doon kasi nanunuluyan ang aktor kapag nasa Cebu siya.

Bago man siya mamahagi kasi ng mga donasyon, pumunta siya roon para kumuha ng certificate para makabalik ng Maynila. 

SIMPLENG PAMUMUHAY SA CEBU

Kamakailan ay nag-viral din sa social media ang ilang mga larawan kung saan nakapila si Lloydie sa Barangay Hall sa Guadalupe, Cebu kung saan siya ngayon naka-base.

Tulad ng ibang mga tao roon, nagtiyaga si Lloydie na pumila at maghintay para makakuha ng barangay certificate upang makalipad na siya pabalik sa Metro Manila.

Kahit may social distancing, nagawa pa rin ni JLC na makipagkuwentuhan sa mga nakasabay niya sa pilahan.

Maraming netizens ang nag-comment at natuwa kay Lloydie dahil hindi raw siya nagpa-VIP hndi tulad ng ibang sikat na artista.