in

Isang pari, naging tulay ni Peter Advincula alyas Bikoy para makilala si Antonio Trillanes

Pinasinungalingan ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” ang mga paratang na binitawan niya laban sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Ang Totoong Narco-list” videos.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Advincula na ang kaniyang mga paratang laban sa Pangulo ay utos lamang ng opposition party na Liberal Party (LP) at ilang kaalyado gaya nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Risa Hontiveros.

“Lahat ng nangyari sa ‘Ang Totoong Narco-list,’ video… lahat ‘yon pawang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungalingan,” sabi ni Advincula.

Ayon kay Advincula, nakilala niya si Trillanes sa pamamagitan ng isang pari kaya nakapag-plano sila na siraan ang administrasyon.

Layon umano ng plano, na binansagang “Project Sodoma,” na patalsikin ang Pangulo bago mag-Hunyo 30, 2019, at paupuin sa puwesto si Vice President Leni Robredo, ang chairperson ng LP.