in

Bumbay, dumulog sa barangay upang ireklamo ang mga taong pinapautang niya na hindi nagbabayad

Isang bumbay ang trending ngayon sa social media matapos dumulog sa barangay upang ireklamo ang mga taong pinapautang niya.

Ibinahagi ni Jonjonkombat Pasion ang isang video kung saan makikita ang bumbay na naglalabas ng hinaing sa mga taong pinautang niya.

Hindi raw kasi nagbabayad ang mga taong pinapautang niya ng pera at pinagtataguan pa siya sa tuwing maninigil na siya.

Sabi ng bumbay yung lindol daw hindi nararamdaman pero siya, malayo pa raw ay ramdam na ng pinapautang niya.

“Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!”

Bagamat dinaan sa tawa, makikitang nanlulumo na ang bumbay dahil sa hindi pagbayad ng kanyang pinautang.

Ang isa pa sa sinabi niya na kumiliti sa maraming netizens ay nung nagpapautang siya, nakatali pa umano ang aso pero nung naniningil na siya, yung aso hindi na nakatali.

Naawa naman ang maraming netizens sa sinapit ng bumbay na namumuhay dito sa Pilipinas sa pamamagitang ng pagpapautang sa ating kapwa Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0