≡ Menu

Human Rights Watch, umangal sa pagharang ni Pangulong Duterte na ma-renew ang prankisa ng ABS-CBN

Human Rights Watch, umangal sa pagharang ni Pangulong Duterte na ma-renew ang prankisa ng ABS-CBN

Umalma ang Human Rights Watch (HRW) Asia Division Researcher na si Carlos Conde sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang franchise renewal ng giant TV network na ABS-CBN.

Para kay Conde, hindi umano tama ang paggamit ni Pangulong Duterte sa regulatory powers ng gobyerno.

“But perhaps the real reason for these threats is ABS-CBN’s critical reporting of Duterte, particularly his murderous ‘war on drugs.’ The network has aired and published award-winning reports on the extrajudicial killings of thousands of suspected drug dealers and users by the police,” sabi ni Conde.

“These actions are part of a broader crackdown on media outlets and civil society groups that dare criticize him. Philippine congress members should resist the president’s effort to shut down ABS-CBN. Appeasing a vindictive president who is hell-bent on frustrating accountability for his policies will have far-reaching implications for media freedom, human rights, and democracy in the Philippines,” aniya pa.

Noong Martes, Disyembre 3 nang sabihin ni Pangulong Duterte na huwag nang umasa pa ang ABS-CBN na mare-renew ang prangkisa nito na nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020.

“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ni Duterte.

Kinumpirma rin ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na wala sa kanilang iskedyul ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Walang hearing sa December 10, walang hearing for the year,” wika ni Alvarez.