fbpx
≡ Menu

Bahay sa Quezon, nilooban ng ‘relihiyosong’ magnanakaw; nag-sign of the cross muna bago pumasok

Bahay sa Quezon, nilooban ng ‘relihiyosong’ magnanakaw; nag-sign of the cross muna bago pumasok

Nakuhanan sa CCTV ang tangkang panloloob ng isang lalaking nagawa pang mag-sign of the cross bago gawin ang pagnanakaw sa isang bahay sa Barangay Isabang sa Tayabas City, Quezon.

Sa CCTV footage na inilabas ni Jan Alvaro Lastimosa, makikita ang pagdating ng isang lalaking naka-motorsiklo at sabay parada sa labas ng bahay.

Matapos magparada, naglakad ang lalaki papalapit sa tirahan upang masimulan ang maitim nitong plano.

Bigla nalang umakyat at tumalon ang lalaking nakasumbrero sa pader na bakod ng bahay.

Ngunit bago simulan ang planong pagnanakaw, nag-sign of the cross muna ito.

Ayon sa may-ari, walang nakuhang gamit ang magnanakaw.

Sa ngayon, inaalam pa din ng otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

PANOORIN ANG KABUUANG VIDEO NG ‘RELIHISYONG’ MAGNANAKAW: