in

17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Silawan sa Cebu, nahuli na ng NBI

Kinumpirma ni Regional Director Tomas Enrile ng National Bureau of Investigation Central Visayas (NBI-7) na nahuli na nila ang primary suspect sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay Enrile, isang 17-anyos na binata ang umamin sa krimen. Hindi muna nila ito isinapubliko dahil menor de edad pa ang suspek.

Siya umano ang huling kasama ni Silawan bago nakitang patay sa bakanteng lote na tadtad ng saksak, binalatan ang mukha at tanggal pa ang dila nito at lalamunan.

Nakita rin umano sa CCTV footage ang binata kasama si Silawan na sinabing karelasyon ng biktima.

Dahil umano sa selos kaya nagawa nito ang brutal na krimen, na hindi pa inilalabas ang pangalan ng awtoridad.

Kumbinsido naman si Lourdes Silawan na ang menor de edad na nasa kustodiya ng NBI-7 ang totoong suspek sa pagpatay sa kanyang anak.

Hiling ni Lourdes na sana ay mahuli ang iba pang posibleng kasamahan ng suspek na gumawa sa krimen.

Ang unang naaresto na si Jonas Bueno ay lumalabas na wala umanong partisipasyon bagama’t inimbestigahan din sa pagpatay kay Silawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0