Bong Revilla, inabsuwelto ng Sandiganbayan sa kasong 16 counts ng graft kaugnay sa PDAF scam

Ikinatuwa ni Senator Bong Revilla ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang kasong graft kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

“The truth has come out. Now, I can move forward to serving our nation and our people even further, free of this nuisance,” pahayag ni Revilla sa kanyang Facebook post.

“The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning – that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on,” dagdag pa nito.

Sa desisyon Sandiganbayan Special First Division noong Enero, pinagkaloob nito ang hirit na demurrer to evidence at pag-absuwelto ni Revilla sa 16 counts ng graft.

“Nakita po ng Korte na walang basehan ang mga akusasyon sa akin. Hindi ko na nga kinailangan pang depensahan ang aking sarili at magbigay ng aming ebidensya. Sa mga isinumite pa lamang ng prosekusyon ay wala silang napatunayan,” sabi ng Revilla.

“I am not, and never have been involved in graft and corruption. This is the reason why I did not run; I did not hide; and did not evade the judicial system. I put my trust and my life in our Courts,” sambit pa nito.

Muli nitong giniit na naging biktima lamang siya ng masamang politika.

“Sa kabila ng pagwasak sa aking pangalan at pagkatao, hinarap kong lahat ng buong-buo dahil alam kong hindi mababago ang katotohanang ako ay naging biktima lamang ng masamang politika,” ayon kay Revilla.

Ibinasura rin ng Sandiganbayan ang kaso laban sa dating aide nitong si Richard Cambe dahil sa pagkamatay nito.

Nauna nang inabsuwelto ng Sandibagabayan si Revilla sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam noong Disyembre 2018.

Hindi naman pinagbigyan ng korte ang demurrer to evidence na inihain ng sinasabing utak sa PDAF scam na si Janet Lim Napoles kaya tuloy ang paglilitis sa negosyante.