in

Otso Diretso, nagpapanggap na makabayan; pagpunta sa Zambales, isang cheap political propaganda ayon kay Panelo

Tinawag ng Malacañang na “cheap political propaganda” ang gimik ng ilang kandidato ng Otso Diretso sa pagtungo sa Masinloc, Zambales para tangkaing magtungo sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nauubusan ng gimik-pambata ang Otso Diretso para iugnay sa foreign policy ng Duterte administration sa China at makakuha ng publicity sa pamamagitan ng bitbit na mga mainstream media.

Hindi umano dapat kalimutan ng mga Pilipino na sa panahon ng nakalipas na administrasyon nawala sa Pilipinas ang mga isla sa South China Sea, at sa panahon din ng Aquino administration pinigilan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa mga pinag-aagawang lugar.

“We look at this cheap political propaganda as another dramatic opportunity to lambast the Duterte administration’s foreign policy on China in full view of the cameras with the consequent free media mileage. They must be commended for their creativity. Surely they never run out of childish gimmickry,” ani Panelo.

Sa kabilang dako, hangad ni Panelo na magtagumpay ang mga kandidato ng Otso Diretso sa kanilang pagpapanggap na makabayan.

Sinabi pa ni Panelo na sana ay tamaan ng kidlat at kulog ang mga kandidato ng Otso Diretso para maliwanagan at maging rasonable ang mga ito sa kanilang pagtahak sa tunay na pagiging makabayan.

“We wish them luck in their pretended patriotism. Hopefully soon they will be struck with the lightning of enlightment and the thunder of logical reasoning that they may tread the path of genuine nationalism,” dagdag pa ni Panelo.

Mababatid na sa pagtungo ng opposition candidates sa Zambales sa pangunguna ni Congressman Gary Alejano ay hinamon nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangakong mag-jetski ito para puntahan ang mga pinag-aawayang teritoryo sa Scarborough Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment