San Miguel, bibili ng gatas sa mga magsasaka at ibibigay sa mga mahihirap na apektado ng COVID-19

San Miguel, bibili ng gatas sa mga magsasaka at ibibigay sa mga mahihirap na apektado ng COVID-19

Hindi tumigil sa ginagawang pagtulong sa kababayan nating mahihirap ang San Miguel Corp. ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“We are looking for ways to be able to tap more farmers for rice production, corn, cassava, coconut oil, pork, chicken, among others,” saad ni San Miguel president and COO Ramon Ang.

“Through this, we hope to be able to support the livelihood of our farmers and secure our future supply of food,” dagdag pa niya.

Bibili ang SMC ng mga fresh na gatas ng kalabaw mula sa mga farmer-cooperative na hirap makapagbenta dahil sa health crisis na dinaranas ng bansa.

Saad ng SMC, dahil sa pagkaantala ng supply chain ay napipilitan ang mga dairy farmer na itapon ang kanilang mga sobrang gatas dahil sa kawalan ng mga bumibili.

“We want to make sure that farmers will directly benefit. It’s not only people in Metro Manila who are in need of help but also, our kababayans in the provinces, including our farmers,” sabi ni Ang.

“Our local farmers have long been a major part of San Miguel’s supply chain. We source many of the raw materials for a lot of our products from them. They are even more important and critical now, especially given the tight competition for products in the global market,” aniya pa.

Ang mabibiling gatas ng SMC ay ibabahagi naman sa mga mahihirap na komunidad at food bank sa Metro Manila.

“It’s heartbreaking. There is so much excess milk that goes to waste, instead of getting them to where they are most needed. By buying their excess milk, we are hoping to help not only our farmers stay in business but also get these produce to food banks,” ayon kay Ang.

Target ng SMC na mabigyan din ang mga feeding center sa Bulacan maliban sa Metro Manila, na nais masimulan ang programa sa tulong ng Department of Agriculture, Department of Health at Department of Interior and Local Government.