in

San Julian, Eastern Samar, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol; naramdaman sa iba’t-ibang panig ng Visayas

Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi Visayas at Southern Luzon nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Dir. Renato Solidum, naramdaman ito kaninang ala-1:37 ng hapon.

Naitala ang epicenter sa layong 19 kilometers hilagang kanluran ng San Julian, Eastern Samar na may lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin.

May mga naitala ring pagkabitak ng ilang mga kalsada, istruktura at mga bahay.

Maging sa Bicol at Western Visayas ay naramdaman din ang nasabing lindol.

Dahil dito, asahan pa ang aftershocks sa mga susunod na oras na maaaring magdulot ng pinsala.

Narito naman ang mga intensities ayon sa PHIVOLCS:

Intensity VI – San Julian, Eastern Samar;

Intensity V – Tacloban City; Catbalogan City, Samar; Gen. Mc Arthur, Salcedo and Guiuan Eastern Samar; Naval, Biliran; Catarman, Northern Samar; Palo and Pastrana, Leyte;

Intensity IV – Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, MacArthur, Matalum, Villaba, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Bislig City, Surigao Del Sur; Iloilo City; Naga City; Sorsogon City; Panganiban, Catanduanes;

Intensity III – Binalbagan, Negros Occidental; Cabalian, Southern Leyte; Dimasalang, Masbate; Butuan City; Cabadbaran City;

Intensity II – Bago City; Bacolod City

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0