MAS DOBLE ANG KORAPSYON NGAYON! Manny Pacquiao, nagpatutsada sa administrasyon ni Pangulong Duterte

Nabisto sa isang video ang diretsahang pagbatikos ni Senator Manny Pacquiao sa umano’y lumalalang korapsyon sa gobyerno sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa video mula sa Leader News Philippines, isinaad ni Pacquiao na: “Sa totoo lang, ngayon talaga kung ano yung korupsyon sa past administration, yung kay PNoy (former President Benigno “Noynoy” Aquino III), mas doble ngayon doble o sobra pa, maniwala ka sa akin. Sabi ko di ko makakain yang ginagawa ng mga ito.”

Base sa Public Information Office Facebook page ni Pacquiao, umaasa ang senador na mareresolba ito ng susunod na lider.

“Ang gripo daming tagas, daming tagas, dapat ayusin. Ang ibig kong sabihin, maraming korupsyon ang iba ibang ahensya ng gobyerno.”

“Please maawa tayo sa sambayanang Pilipino. Ang pangarap ko na ang susunod na lider sa bansa natin na ito dapat ang gawin,” dagdag pa nito.