in

Antonio Trillanes, umamin na mga pari ang nagpakilala sa kanya kay Joemel Peter Advincula alyas Bikoy

Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na lumapit sa kanya si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy at nagpresinta ng ilang impormasyon kaugnay sa pagkakaugnay sa droga ng ilang malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, sinamahan si Advincula ng ilang pari noong 2018, dahil natatakot daw itong balikan ng mga kasamahan niya sa sindikato.

Ang mga paring iyun din umano ang nagbigay ng ilang mga impormasyon tulad ng bank accounts ng ilang personalidad na sangkot sa narco politics.

Pero hindi umano pumasa si Advincula sa pamantayan upang maging whistleblower, kaya hindi na niya ito kinausap at binigyan pa ng atensyon.

Pinabulaanan rin ni Trillanes na kasangkot siya sa anumang plano na pabagsakin ang administrasyong Duterte tulad ng mga naging pahayag ni Advincula.

“Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na ‘yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na ‘yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko,” sabi ni Trillanes.