fbpx
≡ Menu

Pastor Apollo Quiboloy, binara si Vice Ganda: Baka hindi lang ‘Ang Probinsyano’ ang mag-stop, baka pati network mo

Pastor Apollo Quiboloy, binara si Vice Ganda: Baka hindi lang ‘Ang Probinsyano’ ang mag-stop, baka pati network mo

Pinalagan ni Pastor Apollo Quiboloy ang naging patutsada ng komedyante at TV host na si Vice Ganda matapos ang pahayag kaugnay ng pagpapatigil niya umano sa lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao.

“Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol. Napakayabang niyo pala. Sabi niya raw, STOP! Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, STOP mo ‘yung traffic doon,” tirada ni Vice Ganda.

Maaalalang kumalat sa social media ang kanyang video kung saan sinasabi ni Quiboloy na siya umano ang nagpatigil ng lindol.

“Lindol lang ung pina stop ko… dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Probinsyano? Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop? Isang buwan? dalawang buwan? tatlong buwan? apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan,” anang Pastor.

Bumirada rin si Quiboloy sa hamon ni Vice Ganda patigilin na ang pag-ere sa inaabanangan teleserye, at ang mabigat na trapiko sa EDSA.

“Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na. Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, paano ko pahintuin… nakahinto na nga. Naging parking lot na nga ang EDSA, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na,” banat ng Pastor.

Matatandaang nakabinbin pa rin sa Kongreso ang malapit nang mapaso na prangkisa ng ABS-CBN habang isa naman si Quiboloy sa mga kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanganganib na hindi ma-renew ang prangkisa ng higanteng network na mag-expired sa March 30, 2020 dahil sa banta ng Pangulong Duterte at sa pagiging bias nito nang hindi pag-ere sa kanyang political ads noong nakaraang election campaign period kahit nagbayad sila ng buo.

PANOORIN: Pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang tugon sa hamon ng isang komedyanteng host ng noontime show ng isang malaking TV network.