in

83-anyos na lola, natagpuang patay at hinihinalang ginahasa matapos mapabalitang nawawala ng ilang araw

Matinding paghihinagpis ang nadarama ngayon ng mga kamag-anak ng isang 83-anyos na matandang babae na natagpuang patay sa damuhan.

Ibinahagi ni Lanie Cid sa Facebook ang sinapit ng kanyang lola na nawawala na umano ng apat na araw.

Kabilang sa ibinahaging larawan ni Lanie ay ang missing flyer ng kanyang lola na si Consolacion Umali Abad na nakatira sa No.18 Pag-asa Compound, Kalawaan, Pasig City.

Natagpuan ang matandang babae na nakatali ang kamay at paa, nakabusalsal sa bunganga, at nakababa ang kanyang pang-ibabang saplot.

Umani naman ng matinding pagkapoot at emosyon mula sa mga netizens ang balitang ito dahil wala na umanong pinipili ang mga masasamang loob.

Samantala, inaantay pa ang resulta ng autopsy upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0