in ,

11-buwang sanggol na inoperahan sa dibdib, babad sa init sa gilid ng kalsada sa Monumento, Caloocan

Nakakaawa ang sitwasyon ng isang sanggol na kakaopera pa lamang sa dibdib habang kasama ang kanyang ina na natutulog sa gilid ng kalsada.

Napag-alaman na 11-buwan pa ang sanggol at tinanggal umano ang kambal niyang nakadikit sa kanyang dibdib.

Ayon sa Facebook post ni Erlyn Rosado Semilla, mahigit kumulang isang buwan na niyang nakikita ang mag-ina sa may paradahan ng mga motor at tricycle.

Kadalasan aniya ay tanghali na daw dumadating ang mag-ina at hanggang hatinggabi na sila doon.

Ayon naman sa kuwento ng ina ng sanggol, wala silang bahay at nananatili lamang sa isang kariton.

Ang pinag-aalala ng netizens ay ang operasyon ng sanggol dahil di niya alam kung nalinisan ang sugat o magaling na nga ito.

May impeksyon pa daw sa dugo ang sanggol, ngunit dahil walang pera ay kailangan nilang manirahan sa kalsada kung saan nabababad sa init, usok at alikabok ang sanggol.

Minsan umano ay mag-isa lang ang sanggol kapag umaalis ang ina nito na sadya namang napakadelikado.

Ayon kay Semilla, makikita sila sa Puregold Monumento sa Caloocan City, sa may pilahan ng tricycle.

Nais ng netizens na sana ay mabigyan sila ng tulong ng Non-Governmental Organisation (NGO), o di kaya makarating ang kuwento nila sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) o kay Raffy Tulfo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment