in

Barkong mag-uuwi sa Canada ng 69 container na basurang itinapon sa Pilipinas, nagsimula ng maglayag

Nagsimula nang maglayag ang barko na lulan ang 69 container vans ng mga basura ng Canada at iba pang kargamento.

Matapos ang sampung oras na proseso ng pagkakarga, sinabi ni SBMA deputy administrator for port operations Rani Cruz na natapos ang mga containers na naglalaman ng basura sa MV Bavaria.

Nagpapalamat si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma Eisma dahil sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maialis sa bansa ang mga tone-toneladang basura.

“We thank President Rodrigo Duterte for his decisive action that brought about a satisfactory conclusion to this sordid chapter in our history. This is one proud moment for all Filipinos,” ani Eisma.

Natagalan ang pag-alis ng barko dahil hindi ito ekslusibo para lang sa containers na naglalaman ng basura.

Mayroon pa aniya itong iba pang kargang shipping containers na nasa 127 ang bilang dahilan para mabago ang oras ng pag-alis ng barko.

May stopover muna sa Kaohsiung, Taiwan ang barko para ilipat sa mother vessel, bago didiretso sa Canada.

Inaasahang darating sa Port of Vancouver sa Canada ang nasabing mga container na may lamang basura sa June 22.

Ayon sa Local Canadian Press, sa sandaling dumating sa Canada, ang mga basura ay susunungin sa kanilang waste-to-energy facility sa Burnaby.

Samantala, malabo pa namang maisunod sa shipment na ito ang iba pang naipasok na basura sa Pilipinas.

Ang mga basura mula sa Australia ay pinagtatalunan pa kung basura nga ba ito o engineered fuel, habang ang nagmula sa Hong Kong ay dadaan pa sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nag-import nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment