in

Aktwal na video ng magnitude 6.1 na lindol sa isang resort sa Lubao, Pampanga, nag-viral

Niyanig ng magnitude 6.1 lindol ang Metro Manila at ilang pang karatig lugar sa Luzon, Abril 22 nang hapon.

Eksaktong alas-5:11 ng hapon nang maramdaman ang malawak na pagyanig na ang episentro ay naitala sa Castillejos, Zambales.

Malalim umano ang nangyaring pag-uga na umabot sa 21 kilometro kaya’t inaasahan na mas malawak ang sakop ng lindol.

Ilang kalsada at istraktura rin ang hindi nakaligtas sa malakas na pagyanig ng lupa tulad ng Clark International Airport, Chuzon Supermarket, at Emilio Aguinaldo College.

Nag-viral rin ang isang video na nakuhanan sa Sunshore Resort sa Lubao, Pampanga kung saan makikita ang aktwal na pangyayari nang naganap ang lindol.

Dinig ang takot sa boses ng netizen na si Maryann Medina nang tumama ang lindol habang lumalangoy sila sa isang resort sa Sta. Monica, Lubao, Pampanga. Nagmistulang wave pool ang tubig na anim na talampakan daw ang lalim habang natataranta ang mga tao sa pag-ahon mula rito.

Ayon kay Maryann, wala namang nasaktan sa insidente, bukod sa mga gasgas sa katawan nila dahil sa pagmamadali. Wala rin daw sira sa mga estruktura ng resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0