Gabby Lopez III ng ABS-CBN, aminadong bumoto sa 2016 US presidential election

Gabby Lopez III ng ABS-CBN, aminadong bumoto sa 2016 US presidential election

Inamin ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III na hindi lamang siya isang dual citizen, bagkus ay nakilahok din siya at bumoto sa presidential election sa Estados Unidos noong 2016.

Sa ginawang pagtalakay ng House Committee on Legislative Franchises at ng Committee on Good Government and Public Accountability para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN, inilahad ni Lopez na bilang isang US citizen, siya ay bumoto rin noong 2016 US presidential election kung saan si Donald Trump ang siyang nahalal bilang pangulo.

“As an American citizen, did you ever vote in the US elections?” tanong ni Dumper Partylist Rep. Claudine “Dendee” Bautista kay Lopez.

“Yes your honor, I voted in 2016,” sagot ni Lopez sa House franchise panel.

Inamin din ni Lopez na American citizen ang isinusulat niya sa embarkation cards na ipinamimigay ng Bureau of Immigration (BI) sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tuwing siya’y bumabalik sa Pilipinas mula sa ibang bansa.

“Ang kanyang paggamit ng US passport ay hindi po dahilan para mawala po ang kaniyang Filipino citizenship. At ang hindi naman niya pagkakaroon ng Philippine passport ay hindi rin isang dahilan na hindi siya maging Pilipino,” pahayag ni Aglipay-Villar.

Ngunit katuwiran naman ni Lopez, wala kasi puwang at hindi naman tinatanong sa embarkation card ng BI kung ang isang taong papasok ng Pilipinas ay nagtataglay ng higit sa isang citizenship.

Giniit din ni Lopez na isa siyang Filipino citizen noong nag-apply siya ng kolehiyo at post-graduate studies sa Estados Unidos at kailanma’y hindi niya iwinaksi ang pagiging Pilipino niya.

“My understanding from my lawyer was that I am a natural-born Filipino citizen because both my parents are Filipino citizens,” aniya.

Ayon kay Justice Underscretary Emmeline Aglipay-Villar, si Lopez ay maituturing na parehong Filipino at American citizen base sa Saligang Batas ng 1935 at 14th Amendment ng US Constitution.

Sa ilalim ng Saligang Batas 1935, natural-born Filipino citizen si Lopez dahil ang kanyang mga magulang ay parehong Filipino citizen kahit pa siya’y ipinanganak sa Boston, Massachusetts.

At dahil naman ipinanganak siya sa Boston, siya rin ay isang US citizen sa ilalim ng “jus soli” virtue o “right of birthplace” na ginagarantiya sa ilalim ng 14th Amendment of the US Constitution.

“Ang pag-confirm sa citizenship ni Mr. Gabby Lopez, sa kanyang pagkapanganak siya ay Filipino citizen. Siya rin ay American citizen dahil doon siya pinanganak,” ani Villar.

Iginiit din ni Villar na hindi nawala ang Filipino citizenship ni Lopez kahit na ginagamit niya ang US passport niya.

“Ang kanyang paggamit ng US passport ay hindi po dahilan para mawala po ang kaniyang Filipino citizenship. At ang hindi naman niya pagkakaroon ng Philippine passport ay hindi rin isang dahilan na hindi siya maging Pilipino,” pahayag ni Villar.