Mga lider ng Kamara na bumoto laban sa Anti-Terror Bill, pinagbibitiw sa puwesto

Mga lider ng Kamara na bumoto laban sa Anti-Terror Bill, pinagbibitiw sa puwesto

Hinamon ni Camarines Sur Represetative at Deputy House Speaker Luis Raymond Villafuerte ang mga kapwa lider nito sa Kamara na bumoto laban sa Anti-Terrorism Bill o mas kakilala sa tawag na Anti-Terrorism Act of 2020 na magbitiw na sa kanilang puwesto.

Giit ni Villafuerte, ang hindi pagsuporta sa panukala na priority bill ng gobyerno ay malinaw na nagdidiskuwalipika na rin sa kanila na maging kasapi ng majority coalition ng Kamara.

“My personal opinion is that those who voted against the measure and are part of the majority leadership holding key positions and chairmanships should have the professional decency and ethical standard to resign from their leadership posts for voting against the majority position, especially it was certified as urgent by the President who leads the majority coalition,” ayon kay Villafuerte.

Aniya, hindi dapat maging miyembro ng majority kung hindi kayang sumuporta sa mga urgent measure ng administrasyon.

“It was a conscience vote and choice for everyone. However, if it’s in your conscience to oppose the measure, you should also have the conscience to resign from your leadership position. You cannot be a member of the majority and oppose its position and stand,” giit nito.

Paglilinaw ni Villafuerte na walang sapilitang nangyari sa ginanap na botohan sa kontrobersiyal na Anti-Terror Bill kundi boto ng konsensiya.

“No member was asked or forced to vote ‘yes.’ It was a conscience vote and choice for everyone,” paglilinaw ni Villafuerte.

Ngunit una nang pinasaringan ni Villafuerte ang mga kasamahan niyang miyembro ng majority coalition at may hawak na posisyon sa Kapulungan na bumoto kontra sa panukala.

Giit pa ni Villafuerte na may mga panuntunan at proseso para mabago ang kanilang boto kung saan kailangang irehistro at palitan ito sa plenaryo na hindi mababago ng pag-anunsyo lamang ng mga ito sa publiko.

“Those who were obviously pressured by social media and wanted to withdraw their vote have to follow the rules of the House and make an appeal on the floor, which [has] to be voted upon by the body when we are in session,” ani Villafuerte.

“Since we are on a break, they can no longer withdraw their vote. They are only doing this for public consumption but they know for a fact that there’s a process when you change your vote. You cannot vote yes and change it the next day,” dagdag pa niya.