in

21-anyos na ina, sinaksak ng 24 beses ng binasted na manliligaw sa Bulacan

Himalang nakaligtas ang 21-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng 24 beses sa kanilang tahanan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat, babarilin sana ang biktimang si Reina Bea ng suspek na si Ricky Millete ngunit hindi pumutok ang kaniyang baril.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagalit si Ricky nang malamang may ibang manliligaw na sinagot ang biktima.

Naganap ang panghohostage at pananaksak kay Reyna sa kanilang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan noong Mayo 12, 2018.

“Base sa statement ng biktima, sinaksak siya ng ice pick. Unang-una siyang tinutukan nung baril at kinalabit. Ngayon nung hindi pumutok ‘yung baril, ang ginawa ng suspek, bumunot ng ice pick at tsaka siya inundayan ng saksak sa katawan niya.”

“Sa 24 na tama ng saksak ay hindi tinamaan ‘yung mga vital organs niya, napakasuwerte. Kasi alam natin ang ice pick, isang tusok lang kapag napuruhan ka, maaaring ikamatay mo,” ayon kay Police Senior Master Sgt. Christopher Vicente ng San Jose Del Monte, Bulacan Police.

“Talagang wala na po kasi akong naramdaman. Tapos lumalabas na po ‘yung dugo sa bunganga ko. Hindi ko na rin inisip na mabubuhay ako. Iniisip ko na lang kung talagang wala na, paano na ‘yung anak ko,” sabi ni Reyna.

Ayon sa mga magulang ng biktima, matagal na nilang kapitbahay ang suspek, at nag-iba raw ang pakikitungo kay Reina mula noong tanggihan ang panunuyo nito.

“Sabi ko, ‘tigilan mo nga ako.’ Umamin po sa akin ng pag-ibig, tapos di ko na siya pinapansin,” sabi ng biktima.

Samantala, nakatakas man, pagkaraan ng 6 na buwan ay natunton ang kinaroroonan ng suspek at ngayo’y nakapiit na sa Bulacan Provincial Jail.

PANOORIN: DALAGA, SUGATAN MATAPOS SAKSAKIN NANG 24 NA BESES NG BINASTED NA MANLILIGAW

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0