Mga kabayo at iba pang mga hayop, na-rescue matapos maiwan sa isla ng Taal Volcano

Mga kabayo at iba pang mga hayop, na-rescue matapos maiwan sa isla ng Taal Volcano

Na-rescue ng mga residente na bumalik sa isla ng Taal Volcano ang iba’t ibang hayop kagaya ng kabayo, baka, at baboy na nakaligtas matapos balutin ng makapal na ashfall ang buong lugar.

Bukod sa pangingisda, pag-aalaga ng hayop, partikular ng mga kabayo ang pinagkikitaan ng mga residente sa isla kung saan inaalok nila ang mga kabayo para masakyan papu.nta sa tabi ng crater ng Taal Volcano.

Sinabi ng residente na si Ronnie Barrion na wala na silang sapat na oras para isama ang mga hayop nang lumikas sila noong Linggo.

Nagsimula nang mabulok ang mga baboy na nakakulong sa kawayang kulungan.

Makikita rin ang mga patay na baka na nalibing sa makapal na abo.

Na-rescue ng mga residente na nakasakay sa isang bangka ang apat na kabayong nabalot ng ashfall mula sa isla.

Mababtid na nag-viral sa social media ang video kung saan ilang mga kabayo sa Talisay, Batangas ay naiwan matapos ang matinding ashfall dulot ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Sa video na ipinost ni Dave Encarnacion sa Facebook, makikita ang mga kabayong natakpan ng makapal na abo kung saan naiwan lang sa kanilang kinakatayuan.