fbpx
≡ Menu

Sen. Franklin Drilon, pinabubuksan muli ang imbestigasyon sa umano’y ‘drug link’ ni Paolo Duterte

Sen. Franklin Drilon, pinabubuksan muli ang imbestigasyon sa umano’y ‘drug link’ ni Paolo Duterte

Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Blue Ribbon Committee na muling buksan ang imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa iligal na droga sa bansa.

Kasunod aniya ito ng pagkalat ng video sa social media na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist – Episode 1” na nagsasaad na may matibay umanong ebidensya o alegasyon laban kay Paolo.

Ayon kay Drilon, magagamit na pagkakataon nina Paolo at Agriculture Undersecretary Walden Carpio ang Senate hearing para magpaliwanag at linisin ang kanilang pangalan sa mga alegasyon laban sa kanila.

“It is best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, particularly Mr. Duterte and Agriculture Undersecretary Waldo Carpio can clear their names,” ayon kay Drilon sa Kapihan forum sa Senado.

Dagdag ni Drilon, maaaring idetalye ni Paolo sa pagdinig ang tinutukoy nitong JS na anito’y nagpakalat ng video habang puwede naman hanapin ng Blue Ribbon Committee ang nagpakilalang Bikoy na may hawak umanong ebidensya.

Una ng iginiit ni Paolo, walang basehan at pawang imbento lang ang listahan dahil ginagawa lang umano ni Bikoy ang mga bintang na una nang ibinato sa kaniya ni Senator Antonio Trillanes IV.

Sinampahan naman ni Paolo si Trillanes dahil sa kaniyang mga akusasyon.

“He may deny it, but the video supposedly showing my involvement in the illegal drug trade in the country has been clearly stamped with the indelible Trillanes signature of being a desperate mercenary, one who has done nothing good but attack the government,” ani Paolo.

“I have filed cases against Mr. Trillanes for ruining my name. I will file another string of cases for his continued attempts to destroy my reputation,” dagdag niya.