in

Jonas Bueno, umaming pinatay ang 60-anyos sa Cebu; nanatiling primary suspek kay Christine Silawan

Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kay 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu na si Christine Silawan.

Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno na nadakip sa Davao City at iprinesenta sa media ng pulisya.

Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A, Matina Crossing si Bueno.

Dinakip si Bueno ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Regional Field Unit 11, NBI Region 11, Regional Intelligence Unit 11, Mindanao Area Police Intelligence Office, at Talomo Davao Police Station.

Samantala, umamin si Jonas Bueno na siya ang responsable sa pagpatay at pagbalat sa mukha sa 60-anyos na si Trinidad Batucan sa Danao City, Cebu ngunit hindi umano siya ang pumatay kay Christine Lee Silawan.

Kasama rin ni Bueno sa pamamaslang sa 60-anyos na magsasaka ang mga kapatid na sina Junry at Jovy na pawang napatay nang manlaban nitong Enero sa pagsisilbi sa kanila ng arrest warrant.

Inaalam pa ng pulisya kung posibleng may koneksyon si Bueno sa pagpatay kay Silawan.

Si Bueno ay may standing arrest warrant dahil sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu noong Enero kung saan inalisan din ng balat sa mukha at wala na itong dibdib nang matagpuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment