fbpx

Suspek sa pamamaril sa 17-anyos na dalagitang napagkamalan, patay sa police operation sa Tondo



Patay ang suspek sa pamamaril sa isang 17-anyos na dalagitang biktima ng mistaken identity matapos manlaban sa mga aarestong awtoridad.

Natuntuon ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Jed Ayson sa Building 18 ng permanent housing sa Balut, Tondo.

Si Ayson ang nakuhanan sa CCTV ng Barangay 129, na bumaril sa biktimang si Ronalyn Jamon sa isang kainan sa Tondo, Maynila.

Nabatid na onsehan umano sa droga ang dahilan ng pamamaril ng suspek sa biktima na inakalang siya ang target dahil sa ibinigay na deskripsyon.

Ayon kay Raxabago Police Station Commander Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, nagsagawa ng buybust operation ang mga awtoridad laban kay Ayson, ngunit nang makahalata ang suspek bigla na lamang ito nanlaban at nagpaputok.

Napilitang manlaban ang mga awtoridad na naging dahilan ng pagkamatay ni Ayson.

Nakuha naman sa bangkay ng suspek ang nasa 10 sachet ng iligal na droga.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment