in

Otso Diretso, na-zero sa Iglesia Ni Cristo; pawang mga kandidato ng Pangulo at NPC ang suportado

Inilabas ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang umano’y listahan ng mga kandidatong senador na kanilang susuportahan sa darating na midterm elections.

Ayon sa Facebook post ni Cesar Chavez, pawang mga kandidato na suportado ng administrasyong Duterte at ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang mga inendorso ng INC.

Kabilang sa mga susuportahan ng INC ay sila administration senatorial candidate Francis Tolentino, Bong Go, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos.

Kasama din sa listahan ng INC sila Hugpong ng Pagbabago (HNP) guest candidates Bong Revilla at Jinggoy Estrada pati na rin ang tatlong senatorial bets na bitbit ng NPC na sila Grace Poe, Lito Lapid at Nancy Binay.

Nabokya naman ang Otso Diretso dahil wala kahit isang kandidato ng opposition coalition ang inendorso ng religious group.

Malaki umano ang magiging papel ngayon ng INC sa nalalapit na halalan lalo pa at dikit-dikit ang mga numero ng mga kandidato base sa mga nagsulputang pre-election surveys.

Mababatid na ang INC na may hindi bababa sa 3 million members at kilala sa kanilang bloc voting scheme.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0