in

Pilipinas, malaki ang potensyal na maging fastest-growing economy sa Asia dahil sa Duterte’s projects

Malaki ang “potensyal” ngayon ng Pilipinas na maging fastest-growing economy sa Asia dahil sa mga infrastructure projects ng administrasyong Duterte, reporma sa buwis at mas batang manggagawa.

Ayon kay Asian Development Bank (ADB) Chief Economist Yasuyuki Sawada, indikasyon ng “fundamental strength” ng ekonomiya ng Pilipinas ang credit rating upgrade na natanggap ng bansa mula sa global debt watcher na Standard & Poor’s kung saan napanatili ang economic growth sa higit anim na porsiyento.

Ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas ay isa sa mga pinakamabilis sa Asia, kasama ang China at Vietnam.

“It’s quite possible for the Philippines to be the fastest-growing economy in Asia,” saad ni Sawada.

Mababatid na mula sa dating “BBB” ay itinaas ito sa “BBB+” na may “stable” outlook.

Ibig sabihin, mababa ang risk na hindi makapagbayad ng utang ang Pilipinas at nananatiling sapat ang kakayanang tumupad sa pinansiyal na pananagutan.

“The Philippines has above-average economic growth, a healthy external position, and sustainable public finance. The stable outlook on the rating, reflects our view that the Philippine economy will maintain its momentum over the medium term, in combination with contained fiscal deficits and stable public indebtedness,” saad ng S&P.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0