in

Pulis, nadismaya habang inaaresto ang isang pusher; pinoprotektahan umano ng mga residente

Kumakalat ngayon sa social media ang ilang video kung saan may hinuhuling tulak o drug pusher ang mga kapulisan sa Tondo, Manila.

Ayon sa Facebook post ng Buhay Lespu, humaharang ang ilang residente sa Mel Alcalde Street sa Tondo para hindi mahuli ang umano’y suspek na tulak.

Makikita sa video na hindi kaagad nailabas ng mga pulis ang tulak dahil yinayakap ito ng mga kamag-anak at ng ilang residente.

Nagpupumiglas naman ang tulak habang inaaresto ng mga pulis sa looban. Ilang kabataan naman ang yumayakap sa umano’y tulak at nagagalit pa sa mga awtoridad.

Napamura at hindi napigilan ng isang pulis na ilabas ang sama ng loob sa mga residente dahil imbes tulungan silang mapadali ang kanilang operasyon at hikayatin ang mga kabataan na sumama ng maayos, mas pinapahirapan pa umano silang madala ang mga ito.

Maririnig din sa video na pinapatakbo at tinutulungan ng mga tao na makatakas ang tulak habang nagkakaroon ng komosyon.

Nadismaya naman ang netizen dahil sa ginawa ng ilang residente habang inaaresto ang tulak.

Imbes na tumulong ang mga ito para magsugpo ang iligal na droga sa kanilang lugar, pinoprotektahan at tinutulungan pa umano nila ang suspek para hindi maaresto ng mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0