fbpx
≡ Menu

VIRAL: Isang transgender na nag-selfie sa palikuran ng lalaki habang may umiihi, binatikos ng netizens

Inulan ng batikos mula sa netizens ang pagse-selfie ng isang transgender sa loob ng palikuran ng mga lalaki.

Ibinahagi ni Jaz Funakura sa Facebook ang kanyang selfie picture sa loob ng palikuran habang may umiihi sa kanyang likuran.

Kalakip ng kanyang picture ay ang caption na, ‘Gusto nyo to diba? Sige mailang kayo! 🤣🤣🤣 Selfie muna bago umihi. 🤪’.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Gretchen Custodio Diez, ang transgender na nakaranas umano ng ‘diskriminasyon’ matapos pagbawalan umihi sa palikuran ng mga babae sa isang mall sa Quezon City.

Ang naturang insidente ay naging dahilan para mapag-usapan ang mga karapatan ng miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community.

Dahil sa isyu, may ilang mambabatas ang pumabor sa ideya na ipagamit ang palikuran ng mga babae sa mga tulad ni Diez habang mayroon ding tutol dito.

Para kay Senator Ronald dela Rosa, posible umanong maabuso at magamit ng mga ‘manyak’ na lalaki ang paggamit ng mga CR na inilaan para sa mga babae.

“Pagpasok niya sa CR magbabakla-bakla siya. Magsusuot siya ng babae, ayon bakla. Papasok doon sa loob ng CR ng babae tapos gagawa ng kalokohan,” sabi ni Dela Rosa.

Para naman kay Senate President Vicente Sotto III, dapat umanong magkaroon muna ng ‘reality check’ bago payagan ang mga miyembro ng LGBTQ+ community na makihati sa comfort room ng mga ‘straight’.

“I am all for respecting rights. But how about the sensitivities of women who are uncomfortable with transgenders using women’s restrooms; or straight men donning women’s clothes,” pahayag ni Sotto.

“Restrooms are biology based. Lesbians cannot stand in a male only urinals. Konting reality check naman. 3rd CR for LGBT? Maybe, but difficult to do everywhere . The next problem will be the women who will complain if no 3rd CRs are available. They are starting to complain now,” dagdag ni Sotto.

Ang post ni Funakura ay umani na ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens. May ilang nagsasabi na planado ang kanyang ginagawa upang makakuha ng suporta sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.