in

14-anyos na babae, sumakit at namaga ang tiyan dahil umano sa ininom na milk tea

Isang 14-anyos na batang babae ang sinugod sa Zhejiang Zhuji City People’s Hospital sa China dahil sa umano’y pananakit at pamamaga ng tiyan.

Ayon sa ulat ng The Paper, nakita sa CT scan na may mga bilog na bagay na hindi natunaw sa kaniyang tiyan na umabot na hanggang sa ibang parte ng katawan nito.

Base sa initial findings ng kaniyang physician na si Zhang Lou Wei, sinabing uminom ito ng milk tea limang araw na ang nakakalipas.

Sinabi ring overdue ang kinain ng dalaga ng milk tea pearls kaya’t naging ganito ang resulta.

Pero posible ring heavy metal poisoning ang naging sanhi ng pananakit ng tiyan.

Binigyan na lamang ito ng panunaw upang mailabas ang mga hinihinalang bubble tea pearls sa katawan ng babae.

Samantala, ayon sa emergency department ng Zhuji City People’s Hospital, ang mga pearl tea ay gawa sa tapioca starch na hindi madaling matunaw.

Napag-alaman din na ang ilang nagbebenta nito ay may idinadagdag dito upang mas maging makapal at madaling nguyain.

Nagbabala rin ang mga eksperto na ang madalas daw na pag-intake nito ay maaaring mauwi sa gastrointestinal disorders.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment