in

Tatlong anak ni Pangulong Duterte na sina Sara, Baste at Paolo, panalo at naiproklama na sa lokal na posisyon sa Davao city

Muling namayani ang pamilya Duterte sa Lungsod ng Davao sa pagtatapos ng 2019 midterm elections.

Muling mauupong alkalde ang presidential daughter na si incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio sa botong 570,731.

Nanalo rin ang nakababata niyang kapatid na si Baste Duterte bilang bise alkalde ng Davao sa 548,729 na boto.

Ito ang unang beses na makakukuha ng posisyon sa gobyerno si Baste, na pinakabata sa mga tumakbong Duterte.

Si Paolo naman, na dating bise alkalde ng Davao City, tinalo ang dalawa niyang katunggali sa unang distrito ng Davao City sa botong 195,074.

Sa kanyang Facebook post, nagpapasalamat si Paolo sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya.

“To the people of the first district of Davao, I thank you for choosing me as your representative in Congress. I am truly humbled and at the same time honored for your trust and support in me,” he said.

“A big thanks to my volunteers, friends, and family for their dedication and hard work in support of my desire to be of service to the betterment of the first district of our beloved city. You can expect that I will not only represent your voice in Congress but will also support President Rody Duterte so he can fulfill his plans and dreams for the nation,” dagdag niya.

Samantala, hindi nakikita ng Malacañang ang isyu ng political dynasty sa naging panalo ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong magkakaibang dynamics ang eleksiyon sa local level dahil kung ano ang gusto ng mga tao ay ito ang mananaig kahit pa magkakamag-anak ang uupo sapuwesto.

“Local elections have different dynamics. Sila lang ang nakakaalam doon with respect doon sa mga tinatawag na may dynasty, kung okay sa kanila iyong kanilang pamumuno sa panahon ng kanilang pamumuno eh siguradong iboboto sila uli, ibabalik. Pero kung hindi na sila naniniwala sa kanila ay talagang tatanggihan sila sa halalan. Iyon ang nangyari,” ani Panelo.

“Kasi mayroong dynasty na maganda, mayroon ding dynasty na masama. And we have seen how the Filipinos or the Filipino electorate has rejected dynasties which they feel and believe to be no longer fruitful sa kanila; hindi beneficial sa kanila kaya ni-reject nila,” dagdag pa ni Panelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment