in

Lalaking nang-trip at nanipa ng motorsiklong may sakay na babae sa Tondo, patay matapos balikan ng rider

Nasawi ang isang umano’y hambog at siga na binatilyo sa Tondo, Manila matapos itong pagbabarilin.

Kinilala ang 16-anyos si Kevin Lois Monsod na nagtamo ng tama ng bala malapit sa dibdib.

Sa kuha sa CCTV ng Barangay 72, makikita na naglalakad si Monsod kasama ang dalawang kaibigan nang sipain nito ang dumaang motorsiklo na may sakay na tatlong babae.

Humarurot palayo ang motorsiklo pero binalikan ng rider si Monsod at binaril.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ng biktima, kaklase ni Monsod ang isa sa mga babaeng angkas kaya binati niya ito pero hindi umano ito nagustuhan ng nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Raxabago Police, posibleng nagkapikunan ang suspek at biktima na nauwi sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment