fbpx
≡ Menu

Ricky Reyes, naniniwalang mas maraming problemang dapat pag-usapan kaysa CR para sa LGBTQ+ at SOGIE Bill

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging pahayag ng celebrity hairstylist na si Ricky Reyes tungkol sa paggamit ng palikuran ng ilang miyembro ng lesbian, bisexual, transgender, queer and questioning (LGBTQ+) community.

Para sa itinuturing “gay icon” na si Ricky, dapat umanong sa palikuran ng mga lalaki umihi ang mga may “nota” at sa pambabae naman ang mga may “kipay.”

“Kung ikaw ay may nota, sa lalaki ka. Kung ikaw ay may kipay, sa babae ka. Finish. Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar,” paliwanag ni Ricky.

“Let it be na lang. Ang bakla ay bakla. Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan, baklang hamburger,” dagdag niya.

Ikinatutuwa raw ni Ricky na marami ang pumapabor at ipinagtanggol ang kaniyang pananaw.

Pero mayroong ding mga bumabatikos at nagsabing hindi patas ang kaniyang pahayag dahil na rin sa estado niya sa buhay at sinauna ang kaniyang mga idinahilan.

Pero muling iginiit ni Ricky na walang makakaunawa sa mga bading kung hindi ang mga kapwa bading din.

“Walang makakaintindi sa bakla kundi kapwa-bakla lamang, at ang affair ng mga bakla dapat sa atin lang ‘yan. Huwag nating ipangalandakan sa tao,” ani Ricky.

Inihayag din niya na hindi siya sang-ayon sa mga bading na nakabestida lalo na kung nagiging tampulan ng tawanan.

Giit pa niya, mas marami raw problema na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa problema kung saan dapat umihi ang mga miyembro ng LGBTQ+.

“Bakit yung pag-ihi ng isang bading ang pagkakaabalahan mo? Para sa akin it’s a small, petty, napakaliit,” saad niya.

Samantala, ang transman na si Jake Zyrus, aminadong sumagi rin daw sa isip noon ang paggamit ng panlalaking palikuran.

Pero napag-isip-isip daw niya na hindi lahat ay pare-pareho ng paniniwala kaya sinusunod at nirerespeto na lang niya ang batas.

WATCH: RICKY REYES SHARES VIEWS ON SOGIE EQUALITY BILL